Nov 3, 2008

gusto mo kwento.

One late evening with my three-year old daughter, Rain, both of us staring at the ceiling.

Gusto mo ng kwento?

A couple of nods

Gusto ko.

Okay, may kwento ako...tungkol sa...angel, alam mo yun?*

Angel.

Nods.

Isang araw may isang angel, lumilipad ang angel, parang bird...at may pakpak ang angel, alam mo yun?

Silent stare.

Alam mo ba ang angel? Teka, hahanap ako ng picture.

Nods then holds my arm

Angel.

Okay, sige. Yung angel lipad lang ng lipad dahil may hinahanap siya.

Hahanap?

May hinahanap yung angel, hinahanap niya yung love niya kaya lipad lang ng lipad yung angel.

A smile.

At lumipad yung angel papuntang e-...

E-mall!

at lumipad din papuntang LC...

LCC!

pero hindi pa rin talaga mahanap ng angel ang love niya. Lumipad din ang angel papuntang San Felipe.

Slipe.

at lumipad din siya papuntang Canaman dun sa sa...

Sala!

pero wala talaga yung love niya dun.

Wala?

Sabi ng angel pupunta siya ng Cathedral, dun kay Jesus, magppray siya.

Ingay si Jesus?

Oo, di puede mag ingay dun sa church. Gusto mong pumunta dun?

Gusto.

Smiles, nods.

Tapos yung angel nagpray kay Jesus, at may sinabi si Jesus kay angel, "Lipad ka lang, angel." kaya lumipad ulit si angel palabas ng church at pumunta sa siya sa school ni papa, dahil baka nandun yung love niya pero wala dun, kaya lipad siya ulit papunta ng Tar...

Tarlac.

pero hindi naman kasama ni Mommy yung love na hinahanap ni angel.

Mommy.

Kaya lumipad ulit siya papuntang Baguio, dun sa bun...

Dok!

Lumipad siya papuntang bundok, nag jogging si angel, pero wala talaga yung love niya, asan kaya yung love ni angel?

Asan, papa?

Lumipad si angel papunta ulit ng e-...

Emall.

Dahil baka nandun, baka nandun sa mga books, nagbabasa yung love ni angel.

Smile again.

Pero wala talaga dun, kaya sabi ng angel punta na lang siya ng dagat dahil hapon na. Alam mo kung ano ang dagat?

Just a stare.

Ang dagat, swimming dun di ba? Dun sa maraming tubig.

Dagat.

Nods.

Pumunta si angel sa dagat tapos color yellow na lahat dahil hapon na, alam mo kung ano color ang yellow?

Nods.

Tapos may nakita yung angel sa dagat, may nagsswim dun.

Smiles and I hear a bit of a laugh.

Lumapit ang angel dun sa dagat sa may tubig at tiningan niya kung sino nagsswim. Nakita ni angel ang isang sirena, alam mo yun?

Just looks at me smiling.Yung sirena, walang paa, may buntot kagaya ni...

Fishda!

Oo, parang si dyesebel. Okay, ng makita ni angel yung sirena lumapit pa siya tapos nabasa na si angel sa dagat, at lumapit din yung sirena kay angel at sabi ni angel siya, siya ang love ko. Nahanap na ni angel ang love niya, love ni angel yung sirena.

I hear her laugh.

Lumipat si angel kay sirena tapos nag embrace sila, at hug din ni sirena si angel.

As if on cue she hugs my left arm to and continues to smile.

Hug sila?

Oo, hug sila tapos umilaw, may liwanag na parang light...

(I point at the lampshade).

Ganun sila...a ilaw sila.

Nods.

Tapos habang may liwanag sa gitna nila, lumipad silang dalawa pataas, papunta dun sa clouds, dun sa mga birds, hanggang naging stars silang dalawa dun, dun sa taas. Nagi ng stars si angel saka si sire...

Sirena.

Hugs my arm again, then laughs a bit.

Tapos na yung kwento. Bukas naman ulit. Okay?

Okay.

O, maganda ba yung kwento?

Ganda.

She smiled at me and then with her small arms, tried to reach for the ceiling.

Gusto mo bang yung kwento?

'yoko, nahihila ako e.

Huh? Nahihila ka?

Oo.

Ano yung hila?

Hila...Hila! Hihila ako.

And all the while as she was saying this, she was smiling and hugging my arm.

Pero maganda yung kwento?

Oo.

Ahhh.

(realization dawning upon me) Nahihiya ka?

Hihila ako e.

E, ba't ka naman mahihila?

Hila ako.

Dahil ba nagembrace sila?

Nods, smiles then hugs me now.

Teka, hindi ka naman nahihiya, kinikilig ka, ano?

A nod and she laughed and tried to sit up to go to her sleeping mom in the other room.

Okay, kaya pala ang hila. Higa ka ulit dito.

She does and I embraced her, like a mermaid.

Now, I miss the cold rain and I miss the warm embraces. hugs. hands. exhaled breaths and the curl of your lips.

* the story was partly inspired by this.

"Sino love ni papa?"
"Si Dyesebel!"

Rain being the mythological character at this point.

No comments: